Ginawang hostage ng mga bilanggo sa correction facility na El Turi, sa siyudad ng Cuenca, ang 50 jail guards at pitong pulis sa nangyaring riot sa pasilidad, ayon kay Ecuador Interior Minister Juan Zapata.
“We are concerned about the safety of our officials,” ayon kay Zapata sa naging press conference nito hinggil sa sitwasyon.
Nagsimula ang riot bilang protesta sa ginagawang pagsalakay ng pulis at militar sa loob ng bilangguan. Subalit bandang huli ay napag-alamang ito ay bilang pagtutol sa paglilipat ng ilang bilanggong sinasabing sangkot sa mga ilegal na gawain sa nabanggit na pasilidad.
Ayon naman kay Ecuador President Guillermo Lasso, ang serye ng karahasan sa loog ng bilangguan ay isang pamamaraan ng mga sindikato nagnanais na makontrol ang mga penal colony at gawing sentro ng kanilang operasyon.
Nagpadala na ang gobyerno ng Ecuador ng 400 sundalo at 200 pulis sa lugar noong Miyerkules, Agosto 27, subalit hindi makapasok ang mga ito.
Sa ulat Deutsche Wellem (DW), ang state-run news agency ng Germany,dalawang kotse ang pinasabog sa siyudad Quito noong Agosto 30 bilang pagganti umano sa gobyerno.
Batay sa impormasyon, kontrolado ng drug syndicate na “Los Lobos” ang mga bilangguan sa Latacunga, Cuenca at Azogues.