Halos 20 minuto lamang ang inabot para maaprubahan ng House Committee on Appropriations ang deliberasyon sa budget ng Office of the Vice President na nagkakahalaga ng ₱2.3 bilyon para sa 2024.
Ayon sa ulat, si Senior Deputy House Speaker at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander Marcos ang nagmosyon sa House Committee on Appropriations na agad tapusin ang talakayan hinggil sa badyet ng OVP bilang paggalang sa matagal nang tradisyon ng Kamara na “parliamentary courtesy.”
Agad namang sinegundahan ng 21 miyembro ng panel, maliban sa Makabayan bloc, ang naturang mosyon.
Kabilang sa naturang badyet ang kontrobersiyal na ₱500 milyong confidential and intelligence funds (CIF).
(Photo courtesy of Sara Duterte/ Official FB page)