Naibalik na ang operasyon sa buong linya ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) nitong Sabado, Agosto 26 ng umaga, ayon Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Sinabi ng kumpanya na tuluy-tuloy na ang operasyon sa buong linya mula Baclaran Station hanggang FPJ Station (dating Roosevelt Station) simula ala-10:30 ng umaga.
Noong Huwebes, Agosto 24, nilimitahan ang operasyon ng Line 1 mula sa Gil Puyat hanggang Fernando Poe Jr. (Roosevelt) station matapos magkaroon ng technical glitches ang mga tren.
Dahil dito, walang biyahe ang mga tren sa Libertad, EDSA, at Baclaran sa loob ng tatlong araw dahil sa ginawang pagkukumpuni sa Gen-2 trainset.
Inulan naman ng batikos mula sa commuter ang paglilimita sa operasyon ng LRT Line 1 dahil umano sa kakulangan ng impormasyon tungkol dito.
Gayunman, sinabi ng LRMC na natapos na ito: “All the necessary track works ahead of schedule, including the operational tests and safety clearance.”
“There will be no changes in the regular service schedule of LRT-1 for its last trip today,” base sa advisory ng kumpanya.
“The last train leaving Baclaran Station is at 9:30 PM, while the last trip from Fernando Poe Jr. Station is at 9:45 PM,” dagdag pa nila.