Nanawagan si Sen. Grace Poe sa kanyang mga kasamahan sa Senado na imbestigahan ang paglipana ng text scams sa kabila ng pagsasabatas ng SIM Registration Act.

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Poe hindi dapat palagpasin ng Mataas na Kapulungan ang posibleng kaugnayan ng ilegal na paggamit ng subscriber identity modules (SIM) sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Si Poe ang tumatayong chairman ng Senate Committee on Public Services.

“The law aims to protect users from scams and hasten law enforcement in investigating phone-related scams,” said Poe, principal author and sponsor of the measure that was eventually signed into law as Republic Act No. 111934 or the SIM Registration Act,” ayon sa senador.

“The registration of SIM should help unmask fraudsters and deny them of sanctuary to hide.  But are these being achieved?” giit niya.

Ikinadismaya rin ni Poe na bagamat mahigit na isang taon nang simulang ipatupad ang naturang batas hanggang natuloy sa pagtatapos ng mandatory SIM registration, patuloy pa rin nabibiktima ang publiko sa mga text scam at iba pang mobile-related fraud.

“The law mandates that SIM should not be used for unlawful purposes and that owners have verified identity,” ayon kay Poe.

Aniya, dapat magpaliwanag ang mga telecommunications companies at iba pang ahensiya ng pamahalaan kung bakit nangyayari pa rin ang mga text scams at dapat alamin ng awtoridad kung paano naiparehistro ng mga scammers ang kanilang SIM para magamit sa ilegal na gawain.