Priyoridad ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangalagaan ang integridad ng online procurement system ng pamahalaan.
“There will still be an element of accreditation because we cannot just open the market to anything…. (What if) you buy something, you get nothing. A box with nothing inside. ‘Yung ganoon,” pahayag ni Marcos sa Malacanang.
“So, to safeguard against that, kailangan accredited ‘yung kausap natin,” giit niya.
Nagbabala rin ang Pangulo laban sa overpricing kung sa argabiyado ang gobyerno sa pagbili ng mga produkto at kagamitan sa pamamagitan ng digital platform.
Iniulat ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Aresnio Balicasan sa Pangulo na nahihirapan sila kalkulahin ang presyuhan ng mga produkto ay “heterogenous” at hindi “homogenous” kaya ang pagkakaiba sa presyo ay depende sa kalidad ng mga ito.
“We know that… goods that might be overpriced. There are already some exploitation of market power by preventing competitors from coming in,” aniya.
Inanunsiyo rin ng Department of Budget and Management ilalarga na Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ang e-Marketplace sa ilalim ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) para sa pagbili ng gobyerno ng mga service vehicles.
Ang PhilGEPS ay isang electronic commerce service na pagaari at pinangangasiwaan ng PS-DBM at ito ay nagsisilbing ding central portal para sa lahat ng impormasyon at aktibidad sa pagbili ng mga kagamitan ng mga government agencies.
(Photo courtesy of Bongbong Marcos/FB page)