Hindi na naitago ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang kanyang pagkairita sa halos pitong linggong sunod na pagsirit ng presyong petrolyo sa bansa.
Ang pinakahuling dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay epektibo ngayong Martes, Agosto 22, 2023, matapos ianunsiyo ng mga major oil companies ng P1.10 price increase sa kada litro ng gasolina, at P0.20 sa diesel.
Dahil dito ipinayo ng senador ang mga may-ari ng kumpanya ng petrolyo na kalmahan lamang ang pagiging sakim dahil patuloy ang paglubog sa kahirapan ng mga mamamayan.
Sa post ng mambabatas sa social media, pinuna nito ang lingguhang pagtaas ng produktong petrolyo na umano’y tahasan na aniyang tinawag na “panloloko sa taumbayan.”
Ipinunto ni tulfo na kung tumaas man aniya ang presyo ng produktong petrolyo sa world market o sa pinag-aangkatan ng mga petrolium company, hindi dapat maramdaman ang sakit sa bulsa ng publiko dahil hindi pa nakakarating sa bansa ang imported oil products.
Ayon pa sa mambabatas hindi makatwiran ang agarang singil ng mga oil company gayung luma o oldstock ang ibinebenta.
“Mantakin nyo…P4.00 kada litro two weeks ago, P1.50 per litter last week, tapos ngayon P0.50-P1.00 uli???”
“Hindi rin nila pwedeng sabihin na tumaas kasi ang palitan ng dolyar (dahil yun ang pambayad nila) kasi wala pa sa mga depot nila yung inangkat nilang petrolyo na may price increase na sa ibang bansa!!!”
“Moderate your greed,” ani Tulfo.
Una nang naghain ang mambabatas at iba pang kasamahan nito ng panukala hinggil sa pagbasura sa Oil Deregulation Law.
-Ellen Mirasol