Nailigtas ng rescue teams ang 11 katao matapos lumubog ang bangkang sinasakyan ng mga ito sa karagatang sakop ng Polilio Island habang papunta sa Infanta, Quezon nitong Biyernes ng hapon, Agosto 18, para makipista.
Kabilang sa mga nailigtas ang mag- asawa na may-ari ng bangka at isang sanggol.
Ayon sa imbestigasyon, papunta sana ang mga mag-anak sa Infanta para dumalo sa isang fiesta subalit pagsapit sa Polilio Island, sinalubong sila ng malalaking alon at malakas na hangin na dulot ng habagat.
Sa puntong ito ay tumaob ang bangka.
Masuwerte namang may mga bangkero sa paligid na nagligtas sa mga biktima.
Samantala, sa pagsisiyasat ng pulisya, overloaded ang bangka dahil lima hanggang anim katao lamang ang kapasidad nito, subalit ang nakasakay ay 11 katao.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang mabigyan linaw ang insedente.
-Baronesa Reyes