Simula Agosto 20, Linggo, ipapangalan na sa Hari ng Pelikulang Pilipino at National Artist for Film na si Fernando Poe Jr., o Ronald Allan Kelley Poe sa tunay na buhay, ang Roosevelt Avenue Station ng Light Rail Transit (LRT) 1.
Pinangunahan ng anak ni “Da King” (palayaw ni FPJ) na si Sen. Grace Poe, kasama sina Sen. Lito Lapid at dating senate president at ngayo’y E.A.T. host Vicente “Tito” Sotto III ang renaming rights sa naturang LRT-1 station.
Itinakda ang renaming rites sa ika-84 kaarawan sana ng namayapang aktor.
Kasama rin sa naturang okasyon sina Sen. Lito Lapid, dating senador Tito Sotto, aktor na si Coco Martin, at mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA).
Ayon sa pahayag ni Poe, isang marker ang nakatakdang i-unveil, kasabay ng renaming rites, ang isang marker na gumugunita sa alaala ng namayapang aktor na nakilala sa kaniyang maaksiyon at kuwelang pelikula mula 1970s hanggang maagang bahagi ng 2000s.
Bumida si FPJ sa mahigi 300 pelikula, kasama na ang 46 na kaniyang nai-produce at idinirek.
“I hope people remember FPJ whenever they board this train. Public service has always been in FPJ’s heart. Giving commuters a safe and comfortable ride is a way of keeping his legacy alive,” ayon sa senadora.
Sumakabilang buhay si FPJ noong 2004.