Ikinababahala ngayon ng mga Philippine diplomats ang umano’y orchestrated smear campaign umano ng Chinese government na inilarga laban sa kanila upang siraan ang kanilang kredibiladad at guluhin ang isyu na may kinalaman sa panghihimasok ng Chinese forces sa West Philippine Sea.
Sa esklusibong panayam ng Philippine Daily Inquirer, sinabi ni Philippine Ambassdor to the United States Jose Manuel Romualdez mismo ay naging target ng demolition job matapos kumalat ang isang pekeng ng memorandum mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsasabing sinibak na siya sa puwesto dahil sa katiwalian at panunuhol.
Ang naturang liham ay kumalat sa media sa pamamagitan ng email mula sa isang “Mario Carmona.”
Nakasaad sa email ng umano’y rereklamo laban kay Romualdez na ginagamit niya ang kanyang posistion para umakto bilang public relations consultant ng iba’t ibang kumpanya kapalit ang daan-libong dolyares na suhol.
“We have enough information coming from our intelligence agencies to confirm that there is a smear campaign by a Chinese group out to discredit people working for stronger US-Philippine relations,” iginiit ni Romualdez sa PDI.
Sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na walang memorandum na inilabas ang kagawaran para masibak sa puwesto si Romualdez.
Bukod sa matanggal siya sa posisyon, naniniwala si Romualdez na pakay ng smear campaign ay madiskaril ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos dahil ang huli ay sumusporta sa tribunal arbitrary ruling na nagbasura sa mga inaangking teritoryo ng China na sakop ng West Philippine Sea.