Lumarga na ng Korean Embassy ang Korea Visa Application Center (KVAC) sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig, na magbibigay daan sa mabilis at hassle-free visa processing para sa mga Pinoy tourists.
Simula Agosto 29, ang KVAC, na matatagpuan sa Britanny Hotel sa BGC ay maniningil ng P900 para sa bawat visa application na dati ay walang bayad.
“There were many kinds of inconvenience in visa (applications) in the past, but now, since the KVAC will open, there will be no inconvenience,” sinabi ni KVAC general director Kyusuk Ahn.
“Anyone who wants to apply for a Korean visa can visit the Korea Visa Application Center anytime. There will be no limitations as long as we can handle it,” dagdag ni Ahn.
Sa kasalukuyan, walag bayad ang mga aplikasyon ng Korean visa para sa mga nagnanais na manatili sa Korea nang hanggang 59 araw.
Sa pilot operation nito na nagsimula noong Agosto 14, tatanggap lamang ang KVAC ng mga aplikasyon sa ilalim ng online reservation. Gayunpaman, tatanggapin at ire-release ang mga aplikasyon para sa lahat ng uri ng visa at hindi maniningil ng bayad sa aplikasyon sa panahon ng pilot run.
Ang pilot operation ay tatagal hanggang Agosto 25, ayon pa sa mga opisyal ng embahada.
Simula Agosto 29, tatanggapin ang mga walk-in o application na walang online reservation, at kakailanganin ang bayad sa aplikasyon.
Ang regular na pagpoproseso ng visa ay tatagal ng five working days na may posibildad na tumagal pa ng ilang araw kapag madaming aplikasyon ang pumasok sa kanilang tanggapan.