Tiniyak ng mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mga ordinaryong tindera sa mga pamilihan ang makikinabang sa 35,000 metriko toneladang imported fish na papasok sa bansa simula Okutbre 1 hanggang Disyembre 31 ng kasalukuyang taon.
Ayon sa BFAR, naglabas ng memorandum ng Department of Agriculture (DA) na may petsang Agosto 15, 2023, na nagbibigay daan sa importasyon ng 35,000 metrikong tonelada ng isda tulad ng galunggong, matangbaka, mackarel, Bonito at iba pa.
Ito ay para mapunan ang isyu sa supply ng isda na result ng commercial fishing gap na nararanasan taun-taon.
Kasabay nito, iniulat din ng Philippine Statistics Authority (PSA) bumasagsak ang fish production ng halos 11.3 porsiyento ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.
Tiniyak ng BFAR na ang dami ng iaangkat ng isda ay ibabase lamang sa actual demand upang maiwasan ang oversupply ng naturang produkto na posibleng makaapekto sa presyo nito sa mga pamilihan.
Ang unang bulto ng import clearances ay ilalabas simula Oktubre 1 hanggang 30 habang ang second tranch ay sa Nobyembre 6 hanggang 30, ayon sa DA.