Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. bilang Special Envoy of the President to the People’s Republic of China for Special Concerns.
Ang pagkakatalaga kay Locsin, na dating ring mamamahayag, ay opisyal na inanunsiyo ng Presidential Communications Office sa social media sites nito
Matatandaan na si Locsin, 74-anyos, ay ipinuwesto ni Marcos bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa United Kingdom at Northern Ireland noong Setyembre 2022.
Noong termino ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, itinalaga rin si Locsin bilang Permanent Representative to the United Nations bago siya naluklok sa DFA.
Walang inihayag na dahilan ang Malacanang sa pagkakapili kay Locsin bilang Special Envoy ng Pangulo sa China sa kainitan ng isyu ng pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal kamakailan.