Kinumpirma ng World Meteorological Organization ang pagbabalik ng El Niño, o mahabang panahon ng tagtuyot, noong nakaraang buwan pagkatapos ng tatlong taon nang maranasan sa iba’t ibang panig ng mundo ang La Niña, na may kabaligtaran na epekto.
Ang El Niño weather pattern ay 95 porsyentong mangingibabaw hanggang Pebrero 2024, sinabi ng isang weather forecaster mula Estados Unidos.
Kasama sa mga epekto ng global warming, ang El Niño ay maaaring mag-dulot ng matinding tagtuyot na maaaring magdulot sa matinding hunger problem pati na rin pagkalat ng sakit na dala ng vector.
“El Niño does not mean a year with more disasters than others, globally,” sabi ni Walter Baethgen, isang scientist ng International Research Institute for Climate and Society ng Columbian University.
El Niño VS. La Niña
Ang El Niño at La Niña ay ang dalawang bahagi ng pattern ng panahon na tinatawag na El Niño-Southern Oscillation (ENSO), isang hindi regular ngunit pana-panahong pagkakaiba ng mga pattern ng hangin at temperatura sa ibabaw ng dagat sa tropical eastern Pacific Ocean.
Ang El Niño ay kumakatawan sa warming phase ng ENSO, habang ang La Niña ay kumakatawan sa cooling phase nito. Sa panahon ng El Niño, ang temperatura ay tumataas nang humigit-kumulang 0.1 degrees celsius (0.2 Fahrenheit) at bumababa ng halos kaparehong lebel sa panahon ng La Niña.
Sa panahon ng pagbabagu-bago, ang kababalaghan ay madalas na dumadaan sa isang neutral na yugto.
Ang dalawang indibidwal periods ay tumatagal ng ilang buwan sa isang pagkakataon at nangyayari bawat ilang taon na may iba’t ibang dalas at intensity. Ang pattern na ito ay nakakaapekto sa klima sa karamihan ng tropiko at subtropikal na mga rehiyon.
Epekto ng El Niño sa kalusugan
Ang mga biglaang pagbabago sa init na naobserbahan sa panahon ng El Niño na mga taon ay maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalusugan at mahayag bilang heat exertion, stroke o kahit kamatayan.
“Heat waves kill more people than any other severe weather in the US. Last year, there were 60,000 more deaths related to heat in Europe,” saad ni Gregory Wellenius, head ng Center for Climate and Health at Boston University.
Ang biglaang mainit na panahon ay tiyak na nakakaapekto sa physiology ng human body, at ang ilang pag-aaral ay nagpakita ng ugnayan sa pagitan ng mga heat wave at mga problema sa kalusugan ng isip.
Ngunit sinasabi ng mga eksperto na ang pinakakaraniwang negatibong epekto sa kalusugan na dulot ng init ay ang pagsiklab ng mga sakit na dala ng vector tulad ng malaria at dengue.