Makaaasa ng tulong mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong apektado ng nagdaang wildfire sa Maui, isang isla sa Hawaii.
Ani DFA Undersecretary Eduardo De Vega, nakahanda ang gobyernong Pilipino na magpadala ng tulong pinansiyal at medikal para sa mahigit 2,000 Pinoy na naninirahan na naapektuhan ng wildfire sa Maui.
Gayunman, nilinaw ng DFA official na walang kinakasang repatriation plan ang gobyerno para naman sa mga Pilipinong permanenteng residente ng Maui. Patuloy namang bineberipika ng DFA kung mayroong nasaktan dahil sa malawakang bushfire.
Samantala, sinabi naman ni Maui Filipino Chamber of Commerce (MFCC) Director Kit Zulueta Furukawa sa panayam ng CNN Philippines, sinabi nitong wala pa silang hawak na impormasyon hinggil sa bilang ng Pinoy na naapektuhan ng malawakang sunog.
Napabalitang nasa 100 na ang nasawi sa naturang sunog sa na tumupoks sa malawak na kagubatan ng Maui.