Pinapurihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Sangguniang Kabataan (SK) na katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila sa pagdedeklara ng mga liwasan at pasyalan sa kani-kanilang hurisdiksiyon bilang mga “smoke-free” at “vape free zones.”

“Our youth must be provided with healthy surroundings. Public parks must be conducive for activities that would strengthen our children’s bodies and protect them against any danger,” pahayag ni acting MMDA Chairman Atty. Romando “Don” Artes.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG), National Youth Commission, The Union Against Tuberculosis and Lung Disease, Vital Strategies and Action on Smoking and Health, nagsagawa ng planning sessions ang MMDA kasama ang SK Federation ng 17 siyudad at munisipalidad sa Metro Manila para sa pagtatatag ng Adop-A-Park campaign sa mga lugar na ipagbawal manigarilyo at paggamit ng vape.

Ito ay kasaban ng paggunita ng “Linggo ng Kabataan” kung saan magsasagawa ang mga LGU kasama ang SKI sa kanilang lugar ng awareness campaign laban sa masamang epekto ng paninigarilyo at pag-hithit ng vape sa katawan ng tao.


Ayon kay Dr. Madeleine Valera, senior technical adviser ng Union Against Tuberculosis and Lung Diseases, mahigit 87,000 Pinoy ang namatay dahil sa tabacco-related diseases kaya ito ang isa sa mga pangunahing isyu na dapat tutukan hindi lamang ng mga lokal na pamahalaan ngunit maging ang health at school authorities.

“The MMDA and SKs Smoke-Free Parks initiative marks a pivotal stride in creating healthier public spaces where citizens can truly flourish. Vital Strategies is proud to support this endeavor, one that safeguards the public’s health and wellness by hindering the use of cigarettes, vapes, and other deadly tobacco products,” giit ni Kaloi Garcia, Senior Communications Manager of Vital Strategies.