Bukas, Martes, Agosto 15, ay muli na namang papalo sa P1.50 ang dagdag presyo sa diesel habang nasa P1.90 ang sa gasolina.


Ito na ang ikaanim na sunod na linggo na sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Bagamat mas mababa ang itiniaas nito kumpara noong nakaraang linggo, ramdam pa rin ito ng mga motorista, lalo na ang mga driver at operator ng pampublikong sasakyan dahil siguradong apektado ang kanilang kita.

Dahil sa muling pataas ng presyo ng produktong petrolyo bukas, aabot na sa P11 pesos kada litro ng ang itinasas ng presyo ng diesel simula Hulyo ng kasalukuyang taon.

Ayon sa anunsiyo ng mga major players sa local oil industry, tataas din ang presyo ang kada litro ng kerosene bukas ng P2.50.

Ang isa sa mga itinuturong dahilan ng Department of Energy (DOE) sa tila walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagbabawas ng produksyon ng langis mula sa Saudi at Russia.

Bilang tugon sa taas presyo ng langis nakahanda naman magbigay ng fuel subsidy ang gobyerno para sa 1.64 milyong operators at drivers na apektado ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Humirit na rin ang mga jeepney organizations sa Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P2 dagdag-pasahe nitong nakaraang biyernes.