Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malaking tulong ang ilalatag na maritime agreement sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam laban sa walang-tigil na panghihimasok ng Chinese Coast Guard sa teritoryo ng dalawang bansa sa South China Sea.
“Now that we are going to start discussions on the agreement that we have between the Philippines and Vietnam, I think it is a very, very important – it will be a very, very important part of our relationship and it will bring an element of stability to the problems that we are seeing now in the South China Sea,” pahayag ni Marcos sa pagbisita ni outgoing Vietnam Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung sa Malacanang.
Ani Marcos, umaasa siyang magpipirmahan ang Philippines-Vietnam maritime agreement sa lalong madaling panahon upang mapagtibay ang kooperasyon ng mga ito sa pagtugon sa pambu-bully ng China sa 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng dalawang bansa.
Nagpaalam na si Chung kay Pangulong Marcos bilang ambassador ng Vietnam sa Pilipinas matapos ang kaniyang mahigit sa tatlong panunungkulan. Umupo rin si Chung bilang deputy director general ng Department of Maritime Affairs simula 2017 hanggang 2019.
Nagpasalamat ang Pangulo kay Chung dahil sa ilalim ng kaniyang termino nabuo ang PH-Vietnam maritime agreement.
“And President, Vietnam, we have very respect for your thought that you are a friend to all, none enemy,” sinabi ni Chung kay Marcos.
“I really believe that we have to make these bilateral agreements. I think you will not be surprised and I think I’m not giving away any confidence that we will like to have these bilateral agreements as well with the other countries within ASEAN,” pahayag ni PBBM tungkol sa Association of Southeast Asian Nations.
Sa naturang okasyon, sinariwa rin ng Pangulo ang magandang relasyong diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam na nagsimula noong termino ng kanyang yumaong ama, si dating President Ferdinand E. Marcos Sr.