Nakilahok ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang Inter-Agency Exercise Alalayan 2023 na idinaos sa Manila Bay ngayong araw, Agosto 11.
Ito ay inorganisa ng National Coast Watch Center (NCWC), na nasa ilalim ng Office of the President at European Union’s Critical Maritime Routes Indo-Pacific (CRIMARIO II), na kinatawan ni Political Counselor Frederic Grillet ng European Union delegation sa Pilipinas.
Layunin ng Alalayan 2023 na subukan ang mga protocol at proseso kung paano makilatis at mapigilan ang ano mang banta sa karagatan ng Pilipinas, ayon kay Vice Admiral Roy Echevarria, director ng National Coast Watch Center (NCWC) at group commander ng PCG Maritime Security Law Enforceme.
Ilan sa isinagawang mga senaryo ay ang pagsugpo sa illegal drug trafficking, smuggling operations, human trafficking, at fire incident sa karagtan.
Tinalakay din sa naturang pagsasanay ang Indian Ocean Regional Information Sharing & Incident Management Network (IORIS), isang ligtas na moda ng komunikasyon na magagamit para mabisang makaugnayan ang kinauukulang mga ahensiya at makaresponde sa tawag ng pangangailangan.
Kabilang sa mga barkong nakibahagi sa joint manuevers ay ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), BRP Malapascua (MRRV-4403), BRP Boracay (FPB-2401), at Coast Guard Aviation Force (CGAF).
Kasama rin sa naturang pagsasanay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Command Center, AFP Intelligence Service, Bureau of Immigration, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Bureau of Customs, at Philippine Drug Enforcement Agency.