Isinusulong ni Land Transportation Office (LTO) chief Atty. Vigor Mendoza II na gamitin bilang “distribution points” ang mga shopping malls para sa pamamahagi ng mga plaka ng sasakyan na hindi pa kinukuha ng mga may-ari ng sasakyan.
Ang hakbang na ito ni Mendoza ay base na rin sa rekomendasyon ni Department of Transportation (DOT) Secretary Jaime Bautista para mapabilis ang pamamahagi ng unclaimed vehicle plates na nakatambak sa mga ahensiya ng LTO.Mendoza said the LTO could tap malls to help in the distribution system so that the agency’s district offices will not be overwhelmed.
“We are now looking at the distribution system, kausap natin ‘yung mga dealers, and malls na pwede rin silang point of distribution not necessarily our own district offices kasi baka ma-overwhelm,” pahayag ni Mendoza.
“Then we will also start the appointment system. Para ‘yung mga taong gustong kumuha ng plaka ay kailangang mag-appointment pagdating nila doon,” dagdag niya.
Aniya, ito ay para maiwasan din ang pagtangkilik ng mga vehicle owners sa ilegal na serbisyo ng mga fixers na sumisingil ng hindi bababa sa P200 para hindi na pumila sa mga sangay ng LTO.
“And we will put mystery persons who will get their plates no para malaman natin, ma-validate at ma-monitor natin kung talagang pineperahan yung taong ‘to o hindi,” Mendoza said.