Good news sa mga gumagamit ng kuryente sa mga lugar na sakop ng Manila Electric Company (Meralco)!
Inanunsiyo ng Meralco na bababa ang pangkalahatang singil nito sa kuryente ng 29 centavos per kilowatt hour (Kwh) sa pangkaraniwang consumer base sa meter reading noong Hulyo.
“Ang nagdala nito yun mas mababa yun kuryente na binibili namin sa mga suppliers kasi malaki ang ibinagsak ng presyo ng kuryente sa onsale spot market,” paliwanag ni Joe Zaldariaga, Meralco vice president for corporate communications, sa panayam ng DZRH.
Ito na ang ikalawang buwan na nagtabas ang Meralco sa singil sa kuryente.
Ang panibagong adjustment ay katumbas sa pagbawas ng singil na aabot sa P58 sa total electricity bill ng isang household na kumokonsumo ng 200 kwh, P87 para sa 300 kwh, P116 para s 400 kwh, at P145 para sa 500 kwh.