Isang lolo ang nasawi matapos mabagsakan ng libo-libong Permesan cheese na hugis gulong sa isang warehouse sa Northern Lombardy, Italy noong Linggo.
Ayon kay Antonio Dusi, isang bumbero na rumesponde sa lugar, nalibing ng buhay si Giacomo Chiapparini, 74 -anyos, ng mamahaling keso matapos bumigay ang mga estante kung saan nakalagay ang libu-libong cheese wheels.
Base sa imbestigasyon, nagsasagawa ng inspeksiyon si Chiapparini sa mga nakaimbak na cheese wheels nang biglang kumalas ang mga bakal ng estante na may taas ng 10 metro.
Kinailangang isa-isang buhatin ang mga keso na may bigat na 40 kilo bawat isa, at maging ang pag-ahon ng mga gumuhong estante ay naging pahirap sa mga rescuer bago tuluyang nabawi ang bangkay ni Dusi.
Umabot ng 12 oras ang pag-ahon ng mga dambuhalang keso, ayon sa pulisya.
Ang pabrika ay naglalaman ng 25,000 piraso ng Grana Padano na paboritong keso ng mga Italyano .