Humihingi ng paumanhin ang DroneTech Philippines dahil sa sa pagpapalipad ng drone na may nakasabit na baligtad na bandila ng Pilipinas sa closing ceremony ng 2023 Palarong Pambansa.
Ipinakita sa drone show na nasa itaas ang pulang bahagi ng Philippine flag at ang asul ay nasa ibaba na sumisibolo na ang bansa ay nasa kalagitnaan ng digmaan.
Sa isang pahayag, kinondena ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang insidente kasabay ng pagtiyak na pinagaaralan na nito kung ano ang magiging legal na hakbang laban sa kumpanya.
Humingi ng paumanhin ang supplier ng drone kay Teodoro, sa lokal na pamahalaan ng Marikina, at sa bansa para sa kanilang “matinding pagkakamali” at “abala” na idinulot ng kanilang drone show.
Inamin din ng DroneTech ang pagkakamali dahil hindi na nilang nagawang isabak sa test flight ang kanilang mga unit ilang araw bago ang closing event dahil na rin sa sama ng panahon at problema sa signal sa lugar.
Sinabi rin ng DroneTech Philippines na tiyak na itataguyod nila ang tamang testing protocols sa mga susunod na event.