Nagsagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng mock elections sa ilang piling lokasyon sa Quezon City at Dasmariñas City sa Cavite, bilang paghahanda sa automated Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30.

Alas-7 ng umaga ngayong araw, Agosto 8, nang isagawa ang mock election sa sumusunod na paaralan:

  • Barangay Paliparan III, Dasmariñas City, Cavite
  • Pintong Gubat Elementary School, Dasmariñas, Cavite
  • Paliparan Elementary School
  • Barangay Zone II, Dasmariñas City, Cavite
  • Dasmariñas Elementary School
  • Barangay Pasong Tamo, 6th District Quezon City
  • Pasong Tamo Elementary School
  • Judge Feliciano Belmonte Sr. High School

Bunga ang pilot testing ng automated BSKE ng regular na pagdinig ng House of Representatives Committee on Suffrage and Electoral Reforms noong Pebrero 2023.

Wala namang napaulat na aberya sa pagdaraos ng mock elections sa nabanggit na mga lugar.