Ang bansang South Korea ang napili bilang susunod na host country ng World Youth Day (WYD) 2027.
Ito ay inanunsyo mismo ni Pope Francis sa isinagawang misa kasabay sa pagsasara ng limang araw na WYD na ginanap sa Lisbon, Portugal.
Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), kinagalak nila na isang bansa mula sa Asya sa ang pagdarausan ng WYD matapos ang 32 taon.
Ikinalugod naman ng mga taga-South Korea ang naging anunsyo ng Santo Papa at pinaghahandaan ang naturang event.
Enero ng taong 1995 nang unang ganapin sa Asya ang World Youth Day kung saan Pilipinas ang napiling host country na dinaluhan noon ni Pope John Paul II.
-Mores Heramis