Apat na oras na brownout ang naranasan na nagsimula alas-7 ng kaninang umaga, Agosto 8, sa ilang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), bunsod ito ng isinasagawang rehabilitation program sa electrical system ng paliparan kung saan kanilang pinalitan ang mga depektibong medium voltage power cables at vacuum circuit breaks sa dalawang substations ng Terminal 3.
“We apologize for the inconvenience due to this scheduled limited power interruption. This is an inevitable consequence of our commitment to rehabilitate and upgrade our T3 electrical systems,” ayon kay MIAA officer-in-charge Bryan Co.
Dahil dito, gumamit ang MIAA ng backup power generators para mabigyan ng supply ng kuryente ang mga sumusunod na lugar: Air Asia office, Boarding Gates 101-112, movlng walkways at elevators sa Level 2 at 3 ng International Wing, tanggapan sa Level 1, at food at retail stores sa South concourse ng Terminal.
Ani ni Co, may posibilidad na makakararanas pa rin ng brownout bukas, Agosto 9, kung kakapusin ang 4-hour window para sa rehabilitation work na isinasagawa ngayon. Tiniyak naman ng opisyal na hindi naapektuhan ng brownout ang mga flight operations.