Sa kabila ng nangyaring pagbomba ng tubig at pagharang ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal kamakailan, tinyak ng PCG authorities na magpapatuloy ang kanilang re-supply mission para sa mga crew ng BRP Sierra Madre na naka-angkla sa pinag-aagawang lugar.
Ito ang binigyang diin ni Commodore Jake Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa mga isyu sa West Philippine Sea, kasabay ng pahayag na nananatiling mataas ang morale ng kanilang mga tauhan sa kabila ng umano’y panibagong pambu-bully ng China.
Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Tarriela isa lamang mula sa dalawang resupply boats ng PCG ang nakarating sa BRP Sierra Madre matapos bombahin ng tubig ang kanilang kasamahan ng Chinese Coast Guard habang patungo sa Ayungin Shoal nitong nakaraang Linggo, Agosto 6.
Ani Tarriela, anim na barko ng China ang naka-posisyon sa Ayungin Shoal sa nitong mga nakalipas na panahon.
“We have documented whatever their (Chinese Coast Guard) actions at bahala na ang ating gobyerno to push for deplomatic efforts to stop these aggressive moves,” giit ng PCG official.
Bukod sa malalaking Coast Guard vessels, nag-deploy din ang China ng maraming militia boats na aali-aligid sa Ayungin Shoal na, ayon sa United Nations (UNA), pasok sa 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ngunit hindi naman kinikilala ng Beijing.
Inaasahang magtutuloy ang resupply mission dahil kailangan ng mai-deliver ang mga pagkain at iba pang gamit para sa mga tauhan ng BRP Sierra Madre, anang Tarriela .