Iginiit ni Batangas Rep. Ralph Recto na kailangang umutang ang bansa ng P4 bilyon kada araw para matustusan ang panukalang 2024 National Budget na aabot sa P5.767 trilyon.

Sa ulat ng pahayagang Manila Standard, binigyang diin ni Recto na aabot sa P15.8 bilyon ang gastusin ng gobyerno kada araw base sa P5.767 national budget, kung saan nasa P11.7 bilyon ang makokolekta nito sa mga buwis habang P4 bilyon naman ang kailangang iutang pa.

“To fully grasp the dimensions of the budget, you have to compute it on a daily basis, to fully appreciate the enormity of both spending and borrowings,” aniya.


“In easy-to-remember figures, this is the lowdown: spend P15.8 billion a day but only P11.7 billion in tax can fund that. Therefore, there is a need to borrow P4 billion.”


“Now, if that is based on the actual disbursements, that is about P3.7 billion in daily spending that must be funded,” dagdag niya, “programs that dazzle are highlighted while muting the cost, a great portion of which are paid by debts left to the next generation to pay.”

Aniya, ang bayarin pa lang sa interes para sa lumalaking utang ng Pilipinas aabot na sa P1.83 bilyon kada araw sa susunod na taon.

Hindi rin kasama aniya sa computation ng gobyerno sa national budget allocation ang awtomatikong pag-aawas sa budget para sa kabayaran sa principal amortization.

Kung idaragdag ang principal amortization requirment na nasa P3.4 bilyon kada araw sa interest payment na aabot sa P1.83 bilyon, ang real debt service expenditure ay papalo sa P5.2 bilyong kada araw, dagdag pa ni Recto.

“That is only payment for existing debts. The fresh debt to be made is a different matter,” paliwanag ni Recto.