Nagbabala ang Federation of Free Farmers Cooperative Inc. (FFFCI) laban sa posibleng pagkakaroon ng sobra-sobrang supply ng bigas dahil labis ang imported rice na dumagsa sa bansa ngayong 2026, kasabay ng panahon ng pag-aani ng mga rice farmers.
Sa panayam sa radyo ngayong Huwebes, Disyembre 5, nagbabala si FFFCI National Manager Raul Montemayor na maaaring pumalo ang inangkat na bigas sa pagitan ng 5 milyon hanggang 5.8 milyong metriko tonelada ngayong taon.
Ito ay sobra-sobra para mapunan ang kakulangan sa supply ng bigas sa bansa bunsod ng sunud-sunod na kalamidad kaya hindi na kailangang mag-angkat pa ng naturang produkto at hindi makasama sa mga lokal na magsasaka.
Base sa pagtaya ng FFFCI, ang kabuuang dami ng iniangkat na bigas ay posibleng umabot na sa 5 milyong metriko tonelada ngayong taon, na mas malaki kumpara sa iniangkat noong 2025 na pumalo sa 3.5 metriko tonelada.
