Wala pang natatanggap na anumang impormasyon ang Philippine National Police (PNP) kung kusang susuko si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, tatlong araw bago ang itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
“Wala pa pong feelers as of now. ‘Yun pong one week na binigay for him to be able to surrender, ito po ay sign of goodwill for him to be able to end this with dignity,” saad ni PNP spokesperson Colonel Allen Rae Co sa panayam sa media.
Matatandaang nag-alok ang DILG ng ₱50 milyong pabuya para sa impormasyong magtuturo sa kinaroroonan ng senador at binigyan naman si Dela Rosa ng isang linggo para sumuko.
Nahaharap si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y pagiging “co-perpetrator” nito sa w@r on drvgs campaign ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
