Tila nag-iba ang timpla ni Palace Press Office Atty. Claire Castro nang tanungin ng miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC) na si Maricel Halili kung sa tingin niya na siya ang tinukoy ni Sen. Imee Marcos sa video ng senador noong Martes, Hulyo 28 nang sabihin na may ‘impakta’ sa Malacanang.

“Kung sila ay affected sa aking mga nababanggit dahil tayo ay kumakalaban sa fake news at ‘yan ang kanilang pananaw, isang ‘impakta,” ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

“So you’re asking me that question so it seems na yung ‘ICC’ na binabanggit nila, you believe, na ako ‘yun,” hirit ni Castro sa press conference ngayong Miyerkules.

“’Yung mga ganoong saliita, hindi ako sanay sa mga ganoong salita,” pahayag ni Castro.

Kung may lakas ng loob si Sen. Imee na gamiting ang salitang “impakta,” sinabi ni Castro tiyak na alam niya ang kahulugan nito. “It takes one, to know one,” dagag ng Malacanang official.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *