Hinatulang “guilty” ng Sandiganbayan Sixth Division ang businesswoman na si Janet Lim Napoles at Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Jerry Pacturan sa kasong malversation kaugnay ng umano’y ₱50 milyong halaga ng “ghost” agricultural projects.
Nahaharap sa 10 counts ng malversation of public funds through falsification of public documents sina Napoles at Pacturan.
Nahatulang guilty din si Napoles sa 10 counts ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, samantala napawalang-sala sa naturang kaso si Pacturan dahil nabigo umano ang prosekusyon na mapatunayan ang kanyang guilt beyond reasonable doubt.
Ipinataw kay Napoles ang sentensiyang hanggang 20 taon ng pagkakakulong sa bawat bilang ng malversation at hanggang 15 taon sa bawat bilang ng graft.
Samantala, hinatulan si Pacturan ng hanggang 19 taon, 1 buwan, at 11 araw bilang pinakamataas na parusa sa bawat isa sa 10 counts ng malversation.
