Nagsampa ng criminal complaints ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong Biyernes, Hulyo 24, laban sa Sunwest Inc. at mga opisyal nito dahil sa tinatayang ₱22.71 bilyong deficiency income taxes.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay ang presidente ng kumpanya na si Aderma Angelie Descarga Alcazar at treasurer na si Cesar Zacarias Buenaventura.

Ang Sunwest Inc. ay kumpanyang itinatag ng dating kongresistang si Zaldy Co, na itinuturong isa sa masterminds ng multi-billion flood control scam.

Inaakusahan ng BIR ang kumpanya at mga opisyal nito ng willful tax evasion, underdeclaring income, claiming fictitious purchases, at improperly using creditable withholding tax credits across tax returns mula taong 2019 hanggang 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *