Nais ng pito sa 10 Pilipino na sagutin ni Vice President Sara Duterte ang mga reklamong nakasaad sa Articles of Impeachment laban sa kanya, ayon sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa nationwide survey na isinagawa noong Hunyo 20 hanggang Hunyo 29, isang linggo bago magsimula ang impeachment trial, 70 porsiyento ang sumang-ayon na dapat tugunan ni Duterte ang lahat ng alegasyon laban sa kanya. Samantala, 13 porsiyento ang hindi makapagpasya at 17 porsiyento ang hindi sumang-ayon.

Ayon sa SWS, nagresulta ito sa net agreement score na +52, mas mataas ng limang puntos kumpara sa +47 na naitala noong Marso 2026.

Nahaharap ang Bise Presidente sa alegasyon ng grave threats, maling paggamit ng confidential funds nang umupong kalihim ng Department of Education (DepEd), pagbibigay ng monetary gifts sa DepEd officials, at unexplained wealth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *