Naniniwala si Atty. Jojo Lacanilao, convenor ng Duterte Panagutin Campaign Network, na wala nang makapipigil pa sa pag-aresto sa puganteng si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa batay sa naging desisyon ng Supreme Court laban sa isang petisyon na humihiling na ipawalang bisa ang arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban kay former president Rodrigo Duterte.

“Right now, there’s nothing that prevents the administration, the government, from arresting Bato dela Rosa and surrendering him to the ICC,” sinabi ni Lacanilao sa ONE News ngayong Miyerkules, Nobyembre 25.

“Now they understand na kapag nahuli si Bato dela Rosa at medyo mabilis ang pag-surrender sa kanya sa ICC, mangyayari dun kung mag-file sila ng habeas corpus, ‘yung kaso malamang magiging ‘moot and academic’ din,” sabi ni Lacanilao sa panayam sa programang ‘Morning Matters.’

Ayon pa kay Lacanilao, malinaw ang mensahe ng pagkakabasura ng Supreme Court En Banc sa petition for habeas corpus na inihain ng magkakapatid na sina Davao City 1st District Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte, Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte, at Kitty Duterte laban sa pagkakaaresto sa kanilang ama sa bisa ng arrest warrant ng ICC noong Marso 11, 2025.

Binigyang diin ni Lacanilao na ang desisyon ng SC ay nagpapatunay na wala itong hurisdiksiyon sa isyu ng habeas corpus laban sa ICC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *