Sa pagpiprisinta ng defense team ni Vice President Sara Duterte ng mga testigo mula sa Board of Investments (BOI) at Food and Drug Administration (FDA), hindi naman naipaliwanag ang P776-million inflows ng Cale88 Foods Corporation, ayon kay House Deputy Speaker Jefferson ‘Jay’ Khonghun.

Hindi naman kinukuwestiyon ng prosekusyon ang rehistro ng Cale88 o ang produkto nitong banana chips, kundi inuusisa kung saan nanggaling ang mahigit P500 milyon inflows ng kumpanya, kung lampas P200 milyon lang ang kinita nito.

Sa presentasyon ni Khonghun, may P208 milyon deklaradong sales ang Cale88 noong 2023-2025, na mayroon namang P776 milyon bank inflows mula 2022 hanggang 2025, ayon sa records ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), kaya may P568 milyon butal na kailangang ipaliwanag.

Una nang kinumpirma ng AMLC sa Senate impeachment court na tumanggap ang Cale88 ng P319 milyon inward remittances mula sa China at Hong Kong.

“Kaya ba nilang ipaliwanag kung saan galing ang pera ng Cale88 base sa AMLC records?” ani Khonghun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *