Lumabas sa cervical spine X-ray ni Sen. Rodante Marcoleta na mayroon siyang “degenerative disc disease,” ayon kay Philippine National Police General Hospital (PNP-GH) Internal Medicine Department chief Lt. Col. Benaly Bayani.

Ayon kay Bayani, ito ang posibleng pinagmumulan ng pananakit ng leeg at ugong sa tainga na nararanasan ni Sen. Marcoleta.

Maaari umanong uminom ng pain reliever si Marcoleta upang maibsan ang pananakit, ngunit kailangan din niyang sumailalim sa rehabilitation.

Nai-refer na ang senador sa isang rehabilitation doctor ng PNP-GH, at karaniwang nangangailangan ng anim na rehabilitation sessions para sa naturang kondisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *