Ayon sa isang prosecution witness, walang dokumentong nagpapakitang nagbigay ng direktiba si dating House speaker at ngayon ay Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez kay dating House appropriations panel chairperson Zaldy Co kaugnay ng mga usapin sa budget.
Ito ay batay sa testimonya ni Office of the Ombudsman Assistant Special Prosecutor Joshua Tan sa bail hearing ni Romualdez ngayong Martes, Nobyembre 24.
Sa cross-examination ni defense counsel Rashel Pomoy, tinanong si Tan kung may mga dokumentong nagpapatunay na inutusan ni Romualdez si Co tungkol sa budget allocations.
“None,” tugon ni Tan.
Nahaharap sina Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.4-bilyong kickback mula sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
