Nilinaw ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang social media na hindi pa pinal ang usapin kung maaari siyang umupo bilang senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Aniya, patuloy pa ang kaso tungkol sa kanyang suspension at wala pang final na desisyon mula sa korte, kaya hindi pa dapat sabihing diskuwalipikado na siya sa pakikibahagi sa impeachment process.

Giit niya, dapat igalang ang due process at hayaang dumaan sa tamang legal na hakbang ang usapin sa halip na mauna ang haka-haka at interpretasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *