Isang maleta na puno ng mangga at peluka ang ipinakita ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon sa harap ng media sa Saturday News Forum nitong Hunyo 6, 2026, bilang tugon sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.
Sa gitna ng isyu ng umano’y “maletang may lamang pera” na ibinunyag ng 18 ex-Marines, sinabi ni Ridon na hindi dapat agad paniwalaan na pera ang laman ng lahat ng maleta na binabanggit sa kontrobersiya.
Giit niya, mahalagang dumaan sa masusing imbestigasyon ang mga akusasyon bago magbigay ng hatol ang publiko.
