Sa ginanap na press conference ngayong Lunes, Mayo 18, ipinagmalaki ni Senate President Alan Peter Cayetano na nanatiling matibay at matatag ang Senado bilang institusyon sa kabilang ng kontrobersiya na inabot nito dulot ng naganap ng girian sa pagitan ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) at National Bureau of Investigation (NBI) agents noong Mayo 13.
“Ang message ko sa NBI – hindi n’yo natibag ang Senado. Under Alan Cayetano hindi n’yo natibag ang Senado,” pahayag Cayetano.
“I continue (the Senate leadership) or not, may papalit sa akin – uulitin ko ha?: Under my watch hindi n’yo natibag ang Senado,” giit niya.
