Bumalik ang mga tauhan ng Office of the Ombudsman sa Senado ngayong Lunes, Mayo 18 para isilbi ang notice of suspension laban kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca at subpoena para sa mga CCTV footages ng naganap na pagpapaputok sa Mataas na Kapulungan noong Mayo 13.
Matatandaan noong Sabado, binatikos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang Senado dahil sa hindi pagtanggap ng 6-month preventive suspension notice para kay Aplasca at subpoena para sa mga CCTV footage na inisyu ng ng kanyang tanggapan na, aniya, ay isang senyales na hindi nito ginagalang ang batas.
Ayon sa ulat ng DZBB, idinalihan ng mga staff sa Senado na hindi nila tinanggap ang mga dokumento dahil walang pasok diumano ang Senado noong Biyernes, Mayo15 nang dumating ang mga tauhan ng Ombudsman dakong alas-3 ng hapon.
Sinabi rin sa report na dumiretso ang mga tauhan ng Ombudsman sa tanggapan ni Senate Secretary Mark Leandro Mendoza para isilbi ang suspension notice at subpoena.
