Inanunsiyo na ng mga major oil players ang panibagong bigtime price hike sa kanilang produktong petrolyo na nakatakdang ipatupad bukas, Agosto 8.
Halos sabay na naghayag ang Pillipinas Shell at Cleanfuel ng dagdag presyo: P4.00/L sa diesel, P0.50/L sa gasoline, at P2.75/L sa kerosene.
Inaasahang susunod na ring mag-anunsiyo ang iba pang big players sa oil industry ng kahalintulad na dagdag presyo sa kanilang produkto.
Noong Agosto 1, nagtaas ng P3.50/L sa diesel at P2.10/L sa gasolina ang mga oil companies.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ito ay bunsod ng naging pahayag ng Saudi Arabia tungkol sa pagbabawas ng produksiyon nito ng langis ang inaasahan presyo ng krudo.
Bukod dito, ngayon pa lang ay naghahanda ng maraming bansa sa paparating na winter season na nagsanhi ng pagsipa ng presyo ng diesel at gasolina.
Bago pa man ianunsiyo ang panibagong oil price inrease, kinakalampag na ng mga transport groups ang pamahalaan na payagan silang magtaas ng pasahe upang hindi madiskaril ang kanilang pang-araw araw na kita para sa kanilang pamilya.
Isinusulong din ng mga transport groups ang “rush hour” rate upang maibsan ang epekto ng tila walang-tigil na fuel price increase.