Sa ikalimang linggo, muling nakaamba ang isa pang bigtime increase sa presyo ng krudo at kerosene sa susunod na linggo.
Sinabi ni Assistant Director ng Oil Industry Bureau ng Department of Energy (DOE) na si Rodela Romero, batay sa mga transaksiyon sa langis sa nakalipas na apat na araw (Hulyo 31 hanggang Agosto 3, 2023), maaaring tumaas ng P3.40 hanggang P4 ang halaga kada litro ng diesel samantalang tinatayang nasa P2.45 hanggang P2.65 ang taas sa presyo ng kerosene. Maaari ring tumaas nang mula P0.15 hanggang P0.35 kada litro ang gasolina.
Gayunman, ayon sa isan source sa industriya ng langis, maaaring mabago pa ito kung saan maaring magtaas nang mula P3.40 hanggang P3.60 ang kada litro ng diesel samantalang maaaring sumipa nang mula P0.10 hanggang P0.30 ang kada litro ng gasolina.
Ayon pa kay Romero, bunsod ng naging pahayag ng Saudi Arabia tungkol sa pagbabawas ng produksiyon nito ng langis ang inaasahan presyo ng krudo.