Pinagkokomento ng Korte Suprema si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa inihaing petisyong writ of mandamus ni dating House Speaker Pantaleon D. Alvarez kasama ang iba pang petitioners, para hilingin na sumailalim ang Pangulo sa physical at mental examination kabilang ang hair follicle drvg test.
Layon din ng nasabing petisyon na obligahin ang Pangulo na isapubliko ang kaniyang medical reports upang magsilbing opisyal na patunay ng kaniyang pisikal at mental na kapasidad sa pagtupad ng mga tungkulin at kapangyarihan bilang pinuno ng bansa.
Binigyan naman ng 10 araw si Marcos Jr. upang magsumite ng kaniyang komento hinggil sa nasabing petisyon.
Ulat ni Bea Tanierla
