Tiniyak ni SMC Chairman at CEO Ramon S. Ang sa mga mamamayan na hindi ito magsasamantala upang kumita ang Petron Corp., na kanilang pag-aari, sa gitna ng nararanasan krisis sa petrolyo dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
“Kung gusto ng gobyerno puwede nilang bilhin ang Petron kung sa tingin nila mas magaling sila magpatakbo,” pahayag ni Ang sa media niotng Biyernes, Marso 27.
“We will not take advante of this fuel crisis,” sabi ni Ang sa panayam ng media ngayong Biyernes, Marso 27.
“Hindi kami kikita na higit pa sa normal and I am willing to lower the income…balewala ‘yun sa akin,” dagdag niya.
