(Photo courtesy of NLEX Corporation)
Tiniyak ng management ng North Luzon Expressway (NLEX) na ginagawa nito ang lahat upang agad na maresolba ang pagbaha sa tollway, partikular sa lugar ng San Simon, Pampanga, at maibsan ang matinding traffic na binubuno ng mga motorista.
Sinabi ni Rogelio “Babes” Singson, president at CEO ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), puspusan rin ang paglalagay nila ng sandbags at tuloy ang paggamit ng waterpumps upang maitaboy ang baha sa gilid ng highway.
“The Pampanga River overflow is causing intense traffic to NLEX San Simon, Pampanga areas in both northbound and southbound directions,” pahayag ni Singson.
“We want to elevate the Tulaoc, San Simon segment area, but unfortunately hindi namin maitaas nang husto dahil sa Tulaoc Bridge sa itaas. We need to coordinate with DPWH (Department of Public Works and Highways) para maitaas din ang tulay,” dagdag niya.
Ayon sa opisyal, pinagigting na rin nila ang pakikipagkoordinasyon sa mga lokal na pamahalaan ng Pampanga upang maisaayos ang mga drainage system sa lugar.
“Our traffic and engineering teams are on site and are continuously monitoring the situation to ensure motorists safety,” giit ni Singson.