Nagpadala ng liham si Akbayan Rep. Chel Diokno sa House Committee on Justice para ilipat sa kustodiya ng panel si Ramil Madriaga, ang nagpakilalang “bagman” ni Vice President Sara Duterte, upang matiyak ang kaligtasan nito.
Ito ay matapos kumpirmahin kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagkaroon ng tangkang pananakit ng isang detainee laban kay Madriaga.
Si Madriaga ay nakakulong sa detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig mula pa noong 2023 matapos siyang masangkot sa kaso ng kidnapping ng dalawang Chinese national.
Ayon kay Madriaga, siya umano ang naghahatid ng malaking halaga ng pera na sinasabing nagmula sa confidential funds ng Department of Education (DepEd) at Office of the Vice President, at ibinibigay umano sa ilang politiko.
Ulat ni Bea Tanierla
