Tatanggap ng ₱5,000 fuel subsidy ang mga public utility vehicle (PUV) drivers bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis sa bansa dulot ng lumalalang gulo sa Middle East, ayon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, sisimulan sa susunod na linggo ang pamamahagi ng ₱5,000 fuel subsidy para sa drivers ng mga pampublikong transportasyon na nasa Metro Manila, habang inaasahan din ang “pamimigay sa iba pang rehiyon sa buong bansa.”
“Mahalaga ang ating pagtutulungan. Sa mabuting koordinasyon at sabayang pagkilos, mas mabilis nating maipaparating ang tulong sa bawat driver na nangangailangan,” saad ni Recto sa isang anunsyo ngayon Miyerkules, Marso 11.
Ulat ni Bea Tanierla
