Sinabi ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. na hindi sapat ang suspensiyon para pigilan si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa pagsasalita laban sa administrasyon.

“Ako talaga, ang gusto ko diyan, expulsion na, eh. Kasi you can suspend him [pero] hindi naman titigil magsalita ‘yan, eh. Magsasalita pa rin ‘yan,” sinabi ni Abante sa panayam sa kanya sa ‘Sa Totoo Lang’ ng One PH nitong Miyerkules, Pebrero 4.

Binigyang-diin naman ni Abante na dapat pa ring respetuhin ang freedom of speech ni Barzaga at sinabing ang ibang aksyon ng Kamara ay posibleng lumabag sa karapatan ng huli.

“We allow that (freedom of speech), in fact, sinabi ko pa nga na kapag pinilit natin siya na magkaroon ng medical expert na tumingin sa kanya, that might even violate his rights as a person. Nasa kanya ‘yun, eh. He still can speak outside Congress but not inside Congress,” ani Abante.

Samantala, nitong Miyerkules ay muling pinatawan ng House Committee on Ethics and Privileges si Barzaga ng panibagong 60 araw na suspensiyon nang walang sahod matapos ang unang parusa sa kanya noong Disyembre 2025 dahil sa kanyang mga pahayag sa social media.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *