Mananatili sa New Quezon City Jail Male Dormitory si dating senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. matapos ibasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang kanyang mosyon na mailipat sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

“There is no basis for the Revilla’s claims of harm, harassment, and threat to his person that would warrant a transfer of his custody to any PNP custodial facility,” saad sa resolusyon ng Sandiganbayan Third Division.

Hiniling ni Revilla ang paglilipat sa kanya dahil umano sa pangamba sa kanyang seguridad, ngunit sinabi ng Sandiganbayan na walang sapat na basehan ang dahilan na ito ng dating mambabatas.

Ayon sa resolusyon, hindi napatunayan ang alegasyon ng harm, harassment, o banta sa buhay ni Revilla na maaaring magbigay-katwiran sa paglilipat ng kanyang kustodiya.

Kasalukuyang nakadetine si Revilla kaugnay ng kasong malversation through falsification of public documents na may kaugnayan sa maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ulat ni Bea Tanierla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *